Sariwa parin sa alaala ng pambato ng Aklan sa Miss Universe Philippines 2020 na si Christelle Abello ang aksidenteng nangyari  sa kanya noong Marso 19, 2023.

Sa isang Instagram post niya kagabi, ikinuwento ng dalaga na humigit-kumulang 8 buwan na ang nakalipas, noong Linggo, Marso 19, nagising siya ng 4AM para pumunta sa isang 10k fun run marathon kasunod ng pagdiriwang ng Women’s History Month.

“5 minutes after getting into my Grab in BGC, I was T-boned by a Suzuki Jimny driver with so much force that both my Grab driver and I were knocked out unconscious.”

“It wasn’t until I was awakened by the paramedics that I realized that I had been involved in a serious car accident that caused me to suffer from multiple fractures and facial lacerations.”

Ayon kay Christelle, simula noong aksidente ay parang tumigil ang kanyang mundo at araw-araw siyang nagdadasal na makamit ang legal na hustisya sa nangyari sakanya.

Nagbigay naman ng comments ang kanyang mga sisters sa pageant na sina  Steffi Rose Aberasturi at Sandra Lemonon.

Sabi ni Steffi, “Fast recovery @christelleabello huhu”

“This is horrible love… So happy you are alive & recovering but I cannot imagine how this has drastically changed your life!!!” saad naman ni Sandra.

Maging si Kirk Bondad din ay nagbigay ng mensahe, “Crazy how just one blink of a moment can turn your life upside down. If one person can grow out of that, it’s you. Godspeed!”

Noong March 19, 2023 ay ginulat ni Christelle Abello ang kanyang mga followers sa aniya’y aksidenteng nangyari sa kanya na kinasangkutan ng kanyang Grab at ng isang reckless driver.

SCREENGRAB: Christelle Abello/Instagram

Instagram