Hindi pinalagpas ni Moi Bienne na batiin ang kanyang dating boos na si Piolo Pascual sa kanyang 44th birthday.

Sa kanyang Instagram, nagpost siya ng mensahe para sa aktor.

“Happy birthday my Mayor ❤️❤️❤️ youre the best!! and your the yummiest, the yummyer? hehe i love you beri beri Much!!

“Ikaw lang yung habang tumantanda lalong sumasarap!! ahahaha pag di ka pa nakapag asawa tapos 50 years old kana!! Naku lagot baka tayo talaga!! wahahahaha 😘😘😘 happy birthday ❤️,” mensahe ni Moi o Hatima Marcampo sa totong buhay.

Nagtrabaho si Moi bilang personal assistant ni Piolo sa loob ng 16 years bago sumabak sa show business.

Lumabas na si Moi sa pelikulang Kimmy Dora, Ang Pamilyang Di Lumuluha, Da One That Ghost Away, Kuya Wes at Nintendo.

 Sumali na din siya sa Survivor Philippines ng GMA 7 bilang isa sa mga castaway.

Instagram