Sa mundo ng showbiz,madalas na pinag-uusapan ang tungkol sa pagbubuntis ng mga artista. Kamakailan lang, hindi nakaligtas sa mga “eagle eye” at “sharp ears” ang komento ni Joey de Leon kay Pauleen Luna, asawa ni Vic Sotto sa pilot episode ng ” EAT” sa TV5.

Joey de Leon and Pauleen Luna
screengrab angpoetnyo IG, pauleenlunasotto IG

Napansin ng mga netizens na tinawag ni Joey de Leon si Pauleen ng “buntis” habang ang mga host ng noontime show ay nagsasayaw sa tugtugin ng “Rock baby Rock” kasama ang mga asawa ng comedic trio na TVJ.


Pabirong pinalo ni Pauleen si Joey bilang tugon sa komento nito sa live TV. Makikita na hinahawakan ni Pauleen ang kanyang “belly” habang naglalakad papunta ng stage sa tabi ni Vic Sotto.

screengrab pauleenlunasotto IG

Mainit na ang usap usapan tungkol sa pag bubuntis ni Pauleen simula pa lamanag noong buwan ng Hunyo, nang hindi ito nakitang kasama ni Vic Sotto at anak nilang si Tali sa kasal ng kapatid ni Kristine Hermosa na si Kathleen Hermosa.

Lalong tumindi pa ang ugong ng kanyang pagbubuntis ng mag post si Pauleen sa kanyang IG tungkol sa cord blood banking para sa umbilical cord storage company.

Instagram