Masayang ibinalita ni TV hosts/actress na si Iya Villania ang kanyang pagbubuntis sa kanilang ikaapat na anak.

Ibununyag ni Iya ang pagbubuntis sa question-and-answer segment ng Tarantanong sa kanyang morning show na “Mars Pa More” nitong Lunes, Jan. 3.

Tinanong siya ni Camille Prats kung magiging ate na ba ang kanyang bunso na si Alana.

Sagot ni Iya, “Yes!”

“I’ve been really lucky to have it easy again, so at least nakakapag-work ako, I’m sure yung iba diyan hindi siguro nila namalayan [na buntis ako],” aniya pa.

“So we are expecting and parating na siya, coming soon in June.”

Binati rin siya ng kanyang co-host at ninong sa kasal na si Kuya Kim Atienza sa Instagram.

“CONGRATS to my inaanaks @iyavillania and @drewarellano on baby no 4! You two are blessed!” caption nito.

Taong 2016 nang ipinanganak ni Iya ang panganay nilang si Primo, 2018 naman si Leon at 2020 si Alana, ang nag-iisang babae sa pamilya.

Ikinasal ang celebrity couple noong 2014.

Instagram