Maraming KiefLy fans ang nalungkot kasunod ng kumpirmasyon ng hiwalayan ni Alyssa Valdez at Kiefer Ravena.

Sa official statement na inilabas ng talent agency ni Valdez na VMG, humingi ng privacy si Alyssa tungkol sa isyu.

Nagpahayag din ng saloobin si Vania Padilla-Edralin ng VMG Asia ukol dito, “It’s always sad to see people grow apart, but I am hopeful you’ll both find your way. Will always be here for you Ly. Love ü”

Umapela si Valdez sa publiko na iwasan ang paggawa ng kung anu-anong kuwento at pagpapakalat ng maling impormasyon.

Nitong taon lang ay nagdiwang sina Alyssa at Kiefer ng kanilang 6th anniversary as a couple.

Instagram