Binanatan ni Sunshine Cruz ang netizen na tumawag sa kanya ng lola at tigulang.

Sa kanyang official Facebook Page, ibinahagi ng aktres ang mga screenshots ng mga walang pasintabing pang-iinsulto ng mga netizens sa kanya sa mga FB comments.

“Still stunning look the outside..ang loob kaya sa panty baka matandang kwaknit,” komento ng isang social media user.

“Tigulang na gyod [Matanda na],” hirit naman ng isa.

Pero imbes na pumatol sa mga negatibong komento ng mga ito ay ni-lecturan ng 44-year-old actress ang mga ito.

Ayon kay Sunshine, hindi dapat ikinakahiya ang pagtanda dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon na tumanda.

Nilinaw ng celebrity mom na ipinost n’ya ang mga negative comments ng bashers para ipaunawa na hindi mali ang pagkakaroon ng edad at hindi dapat ito ginagamit para mang insulto. 

Narito ang kabuuang post ng aktres:

“Guys! Hello!☺️🙏🏻 Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing.

“Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many. Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang “matanda” to hurt, insult or decribe a person negatively. I am proud of my age. At 44, I am healthy and happy.

“Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating edad. Stay safe and healthy everyone. Magandang Hapon po. ❤️

“Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing. Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many,” pahayag n’ya. 

“Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ to hurt, insult or describe a person negatively,” pagdidiin n’ya. 

“I am proud of my age. At 44, I am healthy and happy. Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. 

“At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating edad. Stay safe and healthy everyone.”

Instagram