Lumipat na sa TV5 ang mga dating host ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic at Joey.

Pumirma na ang mga Eat Bulaga legendary host ng agreement sa Mediaquest Group kasama ng iba pang host na sina Wally Bayola, Jose Manalo, Paolo Balesteros, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza.


Sinabi ni Senator Tito Sotto na isa sa mga dahilan kung bakit pinili nila ang TV5 ay dahil sa tiwala nito sa kanila pagdating sa content ng palabas.

“TV5 trusts us with the content of the show,” saad nito sa isang panayam.

“I am happy that Tito, Vic, and Joey Will now call TV5 their home,” saad naman ni Mediaquest Holdings president and CEO Jane Basas.

Instagram