Nag-react si Xiam Lim patungkol sa mga kumakalat na na usapin na hiwalay na daw sila ng ABS-CBN star na si Kim Chiu.

Ayon sa kanyang Instagram post, maraming mga “hearsay” ang nababasa niya sa social media at nabanggit na ang mga tao ay dapat na maging maingat sa kung ano ang kanilang ipo-post sa social media.

Aniya, “Plenty of hearsay happening right now and I would like to ask everyone to be mindful of what you chose to believe in deceiving headlines and other information used to just pretend to know the whole story for personal gain and traction.”

“I ask to be mindful of what you share. Leave my family and friends out of this insignificant issue compared to what is happening in the world, our country, or even deep within ourselves,”

“Mahal ko ang mga tao sa paligid ko. Mahal ko ang pagkakataon na naibigay sa akin ng tadhana and I will continue to use my voice to share my purpose. I will continue to find it, search for it and be the best version of me that I can become and hopefully leave a mark in this lifetime.” dagdag pa niya.

Kumakailan lang ay nag salita din si Kim tungkol sa issue pero dineny niya ito.

Ayon sa actress, okay naman sila ni Xi.

Dagdag pa niya, “oo mapanlinlang ang showbiz, pero maayos naman. Masaya naman po”

Hindi ito ang unang pagkakataon na napag-usapan ang relasyon nina Xian Lim at Kim Chiu. Nag-umpisang mag-date ang dalawa noong 2012 at taong 2018 lang nila ito inamin sa publiko.

Instagram