Usap-usapan ngayon ang rumored couple na sina Joshua Garcia at French-Fil golfer na si Emilienne Vigier na nasa italy.

Maraming netizens ang naintriga nang makita ang mga post ng aktor at ang pinaniniwalaang Girlfriend nito na nasa Milan, Italy. Halos magkapareho umano ang mga picture ng mga ito sa social media.


Matatandaan sa recent instagram post ni Vigier na kasama ang aktor na si Joshua Garcia na may caption na “Jtmmmm”, marami rin agad ang nanghula na mula ito sa French word na “je t’aime,” na nangangahulugang “I love you”.

Matagal-tagal na ring pinag-uusapan ang kanilang sinasabing relasyon pero walang pag-amin mula sa dalawa maging sa social media accounts nila.

Instagram