Umabot sa ibang bansa ang  pagpapakilig ng Kapamilya loveteams na KathNiel at DonBelle dahil napapanood ngayon abroad ang dalawa sa pinag-uusapang romance serye ng ABS-CBN na 2 Good 2 Be True sa Vietnam at He’s Into Her sa Africa.

Umaariba ngayon sa Vietnam ang Vietnamese-dubbed version ng 2 Good 2 Be True nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, gabi-gabi sa pay TV channel na ONCINE. Matapos ang matagumpay nitong pag-arangkada sa primetime nitong 2022.

Naging matindi ang pagtanggap nito mula sa mga manonood sa Pinas matapos itong patuloy na mag-trending sa social media at manguna bilang most watched TV show sa Netflix Philippines bago pa man ito umere sa Vietnam. Napasama sila sa mga nominado bilang Outstanding Asian Artist sa Seoul International Drama Awards 2023 (SDA), kung saan nagwagi si Kathryn sa nasabing kategorya. Dahil ito sa kanilang pagganap bilang Eloy (Daniel) at Ali (Kathryn),

Samatala, umarangkada na rin ang hit digital series na He’s Into Her na kasalukuyang napapanood sa 41 na bansa sa Africa, kabilang ang Nigeria, Ivory Coast, at Mozambique sa StarTimes channel—kung saan din umere ang ilang hit Kapamilya serye tulad ng La Luna Sangre, La Vida Lena, at long-running action teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano.

Pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at kauna-unahang Pinay SDA Outstanding Asian Artist winner na si Belle Mariano, kinilala ang He’s Into Her bilang most watched show sa iWantTFC at sunud-sunod na nag-trend sa Twitter ang pakilig nina Max (Belle) at Deib (Donny). Dahil din sa kasikatan ng serye ay nagkaroon ito ng sold-out concerts.

Tinatangkilik sila sa ibang bahagi ng mundo, kung saan nakapagbenta na pala ang ABS-CBN ng mahigit 50,000 hours ng content sa 50 na bansa sa Asya, Africa, Europa, at Latin America.

Instagram