Sa mga “tulog is life” d’yan, ano ba ang gamit niyong pillowcase?

Alam niyo ba na ang pagpili ng ating pillow ay mayroong epekto sa ating kalusugan?

Bukod sa nagmumukhang elegante, ang silk bedding ay nagbibigay din ng kamangha-manghang kaginhawaan, na mahalaga para sa ating relaxation at pagtulog.

Lumabas kasi sa pag-aaral na ang paggamit ng silk pillow case sa pagtulog ay mas gentler sa ating balat.

Dahil dito ay naiiwasan nitong mairita ang ating balat hindi katulad ng ibang mga pillowcases na nakasanayan na nating gamitin.

Mas madali rin na matanggal ang dumi sa silk pillowcase na nagiging dahilan kung minsan ng pagkakaroon natin ng acne o pimples.

“These pillowcases can be a beneficial addition to other acne treatments,” saad ni Yoram Harth, isang board-certified dermatologist, at medical director ng MDacne.

“Silk pillowcases are gentler on the skin of people with acne or sensitive skin than rough cotton pillowcases,” paliwanag ni Harth.

Dagdag pa nito angfriction umano mula sa cotton lalo na sa mga may pimple-prone ng balat ay maaring maglikha ng inflammation, na dahilan ng mas malalang acne.

Ang paggamit rin umano ng silk pillowcase ay nakakatulong upang maiwasan na matuyo ang balat at buhok ng isang tao na nagdudulot ng skin damage at hair fall.

Instagram